OMG! Marian Rivera Did WHAT Behind the Scenes of ‘Balota’? Even Her Co-Stars Couldn’t Believe Their Eyes! Her Revelation Left Filipino in total SH0CK!

Marian Rivera no body double in fight scenes in Balota

Ngayong Biyernes, June 28, 2024, ang finale episode ng Kapuso primetime teleserye na My Guardian Alien, na hudyat ng pagbabalik pag-arte ni Marian Rivera sa telebisyon.
“Wakasin na natin kasi isang taon ko na siyang ginagawa,” natawang sabi ni Marian.
Dugtong niya, “Okay na, nag-extend pa kami ng two weeks pa.”
Dito natuloy ang tambalan nila ni Gabby Concepcion, na nakasundo niya raw on and off cam.
“Ano siya, e, very professional,” paglalarawan ni Marian kay Gabby.
“To the point na nagre-reflect ang tatay ko sa kanya. Kasi, yung father figure niya kasi.
“Kapag nagkukuwentuhan kami, about family, kung ano ang ginagawa niya.
‘And naa-admire ko siya, na sa kabila ng mga nangyayari, family pa rin talaga ang gusto niya at priority niya.”
Base sa mga pahayag ng mga nakasama niya sa My Guardian Alien, tulad nina Kiray Celis at Raphael Landicho, naging malapit agad sa kanya ang mga ito kahit unang beses pa lang silang nagkatrabaho.
Komento ni Marian, “Gano’n talaga, e, kasi, yun lang ang parang kaya kong i-extend sa mga katrabaho ko—na gusto ko, panatag sila. Gusto ko masaya kami sa set at pamilya kami.”
Noong June 26, 2024, eksklusibong nakapanayam si Marian sa YouTube show na Marites University, kunsaan co-host ang awtor na ito, kasama sina Fu Espiritu, Ambet Nabus, at Jun Nardo.
Magkakasunod na iling ang reaksiyon ni Marian nang itanong namin kung masusundan agad ang pagbabalik-teleserye niya.
“Kakatapos lang, okay na muna yon,” natatawang sabi ni Marian.
“Hindi ba, after ng show, kailangan nagre-rest? May Balota pa na Cinemalaya.” .
Ang tinutukoy ni Marian ay ang pelikulang prinodyus ng GMA Pictures para sa nalalapit na Cinemalaya film festival.
Tuluy-tuloy daw kasi ang trabaho niya.
Dugtong ni Marian, “Siyempre, after ng Rewind, nag-shooting kami, pinalabas, dire-diretso talaga, wala akong pahinga.”