#News

WITH TEARS IN HER EYES, EUGENE DOMINGO REVEALS HER UNEXPECTED CONCERN FOR PIOLO PASCUAL — ‘I COULDN’T KEEP QUIET ANY LONGER’ — Her Touching Words Stir Emotions and Leave Fans Wondering: What’s Really Going On Behind the Cameras?

Eugene Domingo, nagpahayag ng malasakit kay Piolo Pascual

Piolo Pascual is thankful to Eugene Domingo for saying "yes" to him | PEP.ph

Inihayag ni Eugene Domingo na patuloy ang komunikasyon nila ng kaibigan niyang si Piolo Pascual. Gayunman, hindi raw nila pinag-uusapan ang isyung kinakaharap ng aktor. Sinabi ng batikang aktres na ang nangyaring kontrobersiya na idinulot ng paghihiwalay nina Piolo at KC Concepcion ay bahagi lamang umano ng pagiging sikat nila, ayon sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago.

Ayon kay Eugene na tinaguriang “festival queen,” nagte-text daw sila ni Piolo pero hindi nila pinag-uusapan ang nangyaring hiwalayan. “Pero siyempre aware ka ‘pag ang kaibigan mong artista ay parang piniprito at magkakilala naman kayo at alam mong kontakin, hindi naman siguro masama na makipag-communicate ka and to tell him na may malasakit ka,” paliwanag ni Eugene sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Idinagdag niya, handa siyang makinig kay Piolo kung nais nitong magkwento pero hindi raw niya ito uusisain bilang respeto sa kaibigan na naging producer niya sa kanyang pelikula. Samantala, nakapagdesisyon na si Eugene na sa float ng movie na Shake, Rattle and Roll 13 siya sasakay sa araw ng parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Eugene Domingo, nagpahayag ng malasakit kay Piolo Pascual | GMA News Online

Bukod sa SRR 13, kasama rin si Eugene sa film fest movie na My Househusband… Ikaw Na at Enteng Ng Ina Mo. “Naisip ko kasi mas kailangan ako sa float ng Shake, Rattle and Roll kasi matitibay at talagang subok na subok na at sikat na sikat na ang mga nasa Enteng with Ai-ai (Delas Alas) and Vic Sotto.

At doon naman sa Househusband… Ikaw Na si Judy Ann (Santos) at saka si Ryan (Agoncillo),” paliwanag niya.