#News

Ivana Alawi Breaks Silence After Being Brutally Called a “Homewrecker” by Netizens — Her Response Leaves Fans Stunned!

Nanindigan ang actress-vlogger na si Ivana Alawi na hindi siya “kabit” at kailanman ay hindi siya nanira ng pamilya.

Ang kabit, kerida, o mistress ay tumutukoy sa mga babaeng nakikiapid sa mga lalaking may pamilya o asawa na.

Sa YouTube vlog ni Ivana nitong Lunes, June 23, 2025, sumailalim siya sa lie detector test.

Sinagot niya ang iba’t ibang tanong na ipinadala ng kanyang followers at fans.

Kabilang sa mga tanong ay ang alegasyong pakikiapid ni Ivana sa lalaking may asawa na.

“Ikaw ba ay nanira ng pamilya?” tanong na binasa ng nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona.

Mabilis na sagot ng actress, “No!”

Base sa lie detector machine, nagsasabi umano ng totoo si Ivana.

Depensa ni Ivana, pinalaki siya ng kanyang magulang na may respeto, lalo na pagdating sa pamilya.

Hindi raw niya kailanman gagawing manira ng pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng nanggaling sa broken family.

Saad ni Ivana: “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya.

“I respect families kasi kami nga broken family.

“Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira-ulo ka pala, e.”

I respect family': Ivana Alawi says she's not a homewrecker | Philstar.com

IVANA DRAGGED INTO Alleged Affair with ALBEE BENITEZ

Naging usap-usapan si Ivana makaraang masangkot ang kanyang pangalan sa complaint affidavit ni Dominique “Nikki” Benitez laban sa estranged husband nitong si Alberto “Albee” Benitez.

Si Albee ay bagong halal na Bacolod City congressman at kilalang independent producer ng TV shows.

Noong May 29, kumalat online ang sworn complaint affidavit ni Nikki na umaakusa kay Albee ng “infidelity” o pakikiapid.

Salaysay ni Nikki, dati nang nakarating sa kanya ang bali-balitang may kalaguyo ang mister, ngunit ipinagsawalang-bahala raw niya iyon dahil wala siyang sapat na basehan.

Hanggang sa maghain daw si Albee ng “Petition for Declaration of Nullity of Marriage.”

Dito raw nabasa ni Nikki ang pag-amin ni Albee na nagkaroon ito ng dalawang anak sa ibang babae habang sila ay mag-asawa.

Nakasaad din daw sa petition ni Albee ang “implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi.”

Labis daw nadurog si Nikki at dumanas ng “mental or emotional anguish,” dahilan para sampahan ang mister ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC).

Ivana Alawi

Ivana Alawi’s rumored relationship with Albee Benitez

February 2024 nang magsimulang maugnay sa isa’t isa sina Ivana at Albee, na dating Bacolod mayor.

Ito’y matapos silang maispatang magkasama sa airport sa Japan.

Diin noon ni Ivana, wala silang espesyal na ugnayan ni Benitez.

Totoo raw na may idine-date siya, ngunit hindi ito politician kundi isang businessman.

Pahayag ni Ivana (published as is, caps provided): “This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito.

“HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.

“I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang siya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.

“I am currently seeing someone who makes me happy.

“All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician.”

Isang araw lamang ang lumipas, sinegundahan ni Albee si Ivana.

Ayon sa politician-businessman, “chance encounter” lamang ang pagkikita nila ni Ivana sa Japan.

Nilinaw rin ng noo’y alkalde na ang pagpunta niya sa Japan ay para sa isang “business trip,” gaya ng nakasaad sa official travel order.

Ivana Alawi with Mayor
Former Bacolod City Mayor Albee Benitez denies going on a trip with Ivana Alawi to Japan, saying that their being spotted there together was a chance encounter.