#News

Shuvee Etrata Breaks Silence: Shocking Confession Reveals Truth About Secret Relationship With Anthony Constantino After Months of Speculation

Binigyang linaw ni Shuvee Etrata ang estado ng relasyon nila ng kapwa Sparkle artist na si Anthony Constantino.

Ngayong Biyernes, June 20, 2025, nakapanayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras si Shuvee, kasama ang iba pang Kapuso ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates na sina Ashley Ortega, Michael Sager, Josh Ford, at Vince Maristela.

Ilang araw nang usap-usapan ang namamagitan kina Shuvee at Anthony.

Ito’y matapos salubungin ni Anthony si Shuvee sa outside world nang ma-evict ito sa PBB, kasama ang ka-duo niyang si Klarisse de Guzman, noong June 14.

Sa mga video na kumalat online, makikita si Anthony na may dalang bulaklak at nakayakap kay Shuvee.

Anthony Constantino puts a fresh face to the timeless tall, dark, and handsome (TDH) trope—this time, for the Zoomer era.

May kuha ring nakangiti si Anthony habang kinukunan ng video si Shuvee sa mga sandaling nagpapa-picture sa dalaga ang mga taong nasa labas ng PBB house.

Dahil sa mga kuhang video, tumindi ang hinala ng netizens na hindi lang magkaibigan ang turingan ng dalawa.

May mga nagsasabing si Anthony ay matagal nang nanliligaw kay Shuvee.

Mayroon din namang naniniwala na si Anthony ay nobyo na ng PBB alumna bago pa ito pumasok sa Bahay Ni Kuya.

SHUVEE REVEALS REAL SCORE WITH ANTHONY

Sa 24 Oras, tinanong ni Aubrey Carampel si Shuvee kung ano ang estado ng relasyon nila ni Anthony.

Bagay na hindi naman inurungang sagutin ni Shuvee.

CinemaBravo - SHUVEE's T.D.H.? LOOK: Sparkle's new artist, Anthony  Constantino, was spotted outside the PBB house showing support for his  fellow Kapuso actor and friend, Shuvee Etrata. Shuvee is one of the

Binalaan din daw kasi siya noon ng malapit niyang kaibigan na si Ashley Ortega na hindi tamang sagutin niya si Anthony kung papasok siya sa PBB house.

Pagbabalik-tanaw ni Shuvee: “Sabi talaga nito [Ashley], ‘Sige, sagutin mo yan, bawal!

“‘E, kasi papasok e, papasok ka. It’s the worst thing you could do to a man saying ‘yes’ na papasok ka ng PBB.’

“Ang hirap, I can’t just imagine kung mayroon kami…

“Kasi kahit noong nandoon ako sa loob hirap na hirap ako… wala akong something to hold on to.”

Ngayong nakalabas na ng PBB house si Shuvee, gusto pa raw niyang makilala nang husto si Anthony bago ibigay ang matamis niyang “oo” sa baguhang aktor.

Ani Shuvee, “[Sa ngayon] gusto ko pa siyang kilalanin. Manligaw muna pa siya.”

Shuvee Etrata boyfriend? Reportedly, it's hunk Sparkle artist Anthony  Constantino.