SH0CKING! Marian Rivera FINALLY Reveals the One Thing That Nearly DESTROY Her Marriage with Dingdong 😱💔 – Fans Didn’t See This Coming!

Sa magsasampung taong pagsasama nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang mag-asawa, ilang beses na ring binagyo ng mga intriga ang buhay may-asawa nila, pero napanatili nilang matatag at matibay ang kanilang relasyon.
Sa kabila ng sunud-sunod na hiwalayan ng mga showbiz couples, iisa lang ang Dong-Yan marriage sa maituturing na di natinag ng mga pagsubok na normal na dinadaanan na kahit na sinong relasyon.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso Primetime Queen sa nakaraang contract renewal niya bilang NuWhite brand ambassador, tinanong namin si Marian kung ano ang sikreto nila para sa isang matatag na pagsasama.
Ginanap ang contract signing sa Grand Hyatt Hotel sa BGC noong May 10, 2023.
“Lahat yan kaakibat lahat, e. Time management, magde-date kayo, pero siguro ang pinakapundasyon naming dalawa is yung relationship namin kay God.
“Triangle kami, e. Di puwedeng mawawala siya sa amin. Pag nawala, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin. Siya ang pinakamatibay na pinanghahawakan naming mag-asawa na nandiyan si Lord para sa amin,” buong puso niyang pag-amin.
MARIAN STRESSES IMPORTANCE OF ‘ME TIME’
Kapansin-pansin na napanatili pa rin ng Kapuso actress ang ganda at kaseksihan sa kabila na pagkakaroon ng dalawang anak. Pagbabahagi ni Marian, lagi siyang naglalaan ng oras para alagaan ang sarili.
Diin niya, “Di puwedeng walang time.
“Di ba sabi ko nga, kung nakikita ng mga anak ko na napapabayaan ko ang sarili ko, inaalagaan ko nga sila, pero parang ano yung magiging sense nun sa kanila na ‘you take care of us, pero bakit ikaw di mo alagaan ang sarili mo?’
“Mahalagang-mahalaga na ikaw pa lang, nakikita nila na inaalagaan mo ang sarili mo, and after nun aalagaan din nila ang sarili nila dahil yun ang nakikita nila sa iyo.
“Sabi ko nga, ang hirap maging mommy kasi nakatingin sa iyo ang mga anak mo, siyempre tao ka lang, not all the time magagawa mo ng tama. Pero may consciousness ka na kailangan mong gawin ng tama kasi ang anak mo gagayahin ka.”
MARIAN VALUES HER ELDERS’ ADVISE
Ayon kay Marian, malaki ang impluwensiya sa kanya ng tatlong babae sa kanyang buhay. Binahagi din ng aktres ang mga payo sa kanya ng kanyang ina.
“Yung love talaga, di matatawaran pag full support and love ang binigay sa iyo ng mga parents mo, walang imposible na kaya mong gawin.
“Itatlo mo na pati biyenan ko, silang tatlo talaga ang nandiyan for me. Ito talaga ang gusto kong trabaho, ito talaga yung job na para sa akin. Mahirap man, sabi ko nga, pero rewarding.
“Ang anak walang responsibilty sa mga magulang pero ikaw bilang magulang responsibilidad mo talaga na mapalaki ng maayos ang mga anak mo, ang mahirap na part diyan ay kung paano sila magiging mabuting tao.
“Siyempre iba na ang generation ngayon, di mo na alam kung ano ang gagawin mo, so alam mo dapat talaga kung paano mo maibibigay ang the best mo para sa mga bata.
“Kailangan talaga alam mo kung ano ang priority mo. Sabi nga ng mama ko, kailangan malaman mo kung ano ang priority mo, hindi ka mahihirapan sa mga gagawin mo.
“Ang hirap how to juggle your career, being wife, being nanay. Kailangan talaga may time management ka sa lahat ng mga yan,” pahayag niya.
MARIAN AND DINGDONG SUPPORT KIDS’ ACTIVITIES
Buo din ang suporta nila Marian at Dingdong sa kung ano ang nakakahiligan ng mga anak. Pero nang tanungin namin kung papayagan ba ang mga anak kung sakaling papasok ang mga ito sa showbiz, naging tapat naman ang aktres na sa ngayon ay di niya papayagan ang mga ito.
Pag-amin niya, “Mahalaga siguro yun kasi lumaki ako na si Nanay lang ang kasama ko, si Lola ko.
“Iba pa rin talaga pag nandiyan ka para sa mga anak mo, na full support ka sa kanila. Minsan nagpe-perform sila or lumalaban sila o competition, parang “wow!”
“Mag-showbiz? Ay, di ko alam. Mag-aral muna sila. Support namin sila sa lahat ng gagawin nilang sports, activities in school, pero yung artista mukhang matagal-tagal pa tayo diyan. Mag-aral na muna siguro.”
“Hintayin niyo ang bunso ko, magaling din sumayaw yun. Sports? Wala naman, hanggang bata siya, for sure magbabago yan, di ko alam ang gusto niya pero ngayon nagsu-swimming, nagta-taekwondo.
“Masaktan? Di naman, may mga rules naman sa taekwondo pero siyempre maliit pa e, di pa ako kinakabahan.
“Pag medyo malaki na tapos ganun, iba yung feeling. Depende rin sa kanya, ngayon binibigay lang namin yung mga opportunities na puwede niyang gawin. Kami ni Dong, support lang kami sa mga gusto nila.”
MARIAN EXCITED ABOUT SHOWBIZ COMEBACK
Kinumpirma din ni Marian na tuloy na tuloy na ang soap na magbabalik sa kaniya sa telebisyon.
Kuwento niya, “Actually, by next month pa, maghahanap pa kami ng cast. Excited kasi four years akong di nag-soap, e.
“Very light lang ang story kaya excited akong gawin. Sabi ko, parang di ko yata kaya na drama agad, kasi magba-back to scratch na naman ako dahil mangangapa din ako. Ang tagal, four years.”
Ang seryeng Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia ang unang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7. Tinanong namin si Marian kung sino sa mga Kapamilya actors ang gusto niyang makatrabaho ngayong bukas nang magsama sa isang proyekto ang mga Kapamilya at Kapuso stars.
“E, di ang saya! Magkakasama ang lahat, malaki ang chances na magkakatrabaho ang ABS at GMA ngayon.
“ABS? Sino ba bagay sa akin? Wag na ABS, si Dong na lang, kasi gusto kong bumalik yung Bonggang Villa namin, baka mangyari yan soon.
“Ang daming trabaho ng asawa ko, e. Sana masingit pa niya yung Bonggang Villa namin,” panalangin niya.