Benjamin Alves Finally Speaks Out on Uncle Piolo Pascual’s Long-Running Gender Speculations — His Unexpected Reaction Breaks the Silence and Leaves Fans Wondering: Is This the Answer Everyone’s Been Waiting For?

Benjamin Alves reacts to his uncle Piolo Pascual’s ‘gender issue’

Naging masaya ang pagdiriwang ng fiesta ng San Alejandro, Quezon, Nueva Ecija noong May 15, dahil dumayo ang maraming artista doon para sa isang all-star basketball game na hatid ng manunulat at TV host na si Cristy Fermin para sa baryong kanyang kinalakihan.
Kabilang sa mga nagbigay ng panahon para sa nasabing fiesta ay sina Onyok Velasco, Jordan Hererra, Polo Ravales, Gene Padilla, John Hall, Mark Herras, Ruru Madrid, Joko Diaz, Jestoni Alarcon, Pancho Magno, Bayani Agbayani, Carlos Morales at Benjamin Alves.
Nagsisilbing coach naman ng grupo ang beteranong actor na si Philip Salvador.
Matapos makapananghalian ay nakakuwentuhan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 an Kapuso actor na si Benjamin Alves.
BASKETBALL FANATIC. Basketball daw talaga ang hilig na sport ni Benjamin.
Elementary pa lang daw siya ay nagsimula na siya sa larong ito.
Aniya, “Mahilig po talaga ako mag-basketball kasi noong elementary and high school po, naglalaro na talaga ako nito hanggang ngayon.
“Nakakatuwa naman po at nakaka-humble na nakasama ko silang lahat. Iyong rapport po nila, talagang masayang magbabakarda, e, so nakakatuwa pong makakasama ko at makakalaro ko po sila.”
First time daw niyang makasama sa isang game kung saan puro artista sila sa team.
Lahad pa ni Benjamin, “Sa all-stars, first time ko po ito. Kasama ko kasi si Tito Ipe sa isang show so in-invite po kami.”
Physical game ang basketball, paano ba siya umiiwas sa maaring maging sakitan o balyahan kapag naglalaro na?
“Dapat be safe na walang masaktan, kasi lahat naman po kami may ibang trabaho, may taping po, so ingatan lang po ang sarili, at umiiwas sa gulo. Iyon po iyong payo ni Kuya Ipe… basta, ano po kami, magkakapatid.”
ONE YEAR IN SHOWBIZ. Mag-iisang taon na si Benjamin sa showbiz ngayong 2013. Paano niya mai-a-assess ang isang taon niya sa industriya?
“Siguro iyong pagpasok ko po, siguro ano, blessing po para sa akin na pagkatapos po ng school ko sa Guam, nasa Guam pa po ako noon, ay nabigyan po ako ng break kaagad at tuluy-tuloy naman po iyong blessings kaya thank God.
“As far as assessment for the first year, nakaka-aano po talaga, nakaka-appreciate iyong (pag) alaga ng GMA sa akin, saka iyong alam niyo po na inaalagaan kayo.
“Kasi meron po silang… parang may plano po sila para sa ‘yo, kaya nakakatuwa po.”
Three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa istasyon at handa daw siya sa kahit anong project na ibigay sa kanya ng Kapuso Network.
Pahayag niya, “As far as sa mga roles po, papabayaan ko na GMA kung ano yung ibibigay nila sa akin.
“Basta ako po pag wala pong trabaho, nagwo-workshop po ako ‘tsaka daily naman po iyong gym ko.
“Basta ready lang po ako kung ano iyong ibibigay sa akin.”
OFFBEAT ROLES. Samantala, usung-uso sa ngayon ang mga istorya sa telebisyon at pelikula na tumatalakay sa mga gays.
Handa na kaya siyang gumanap sa mga ganitong klaseng tema?
“Gay roles? A… at this point, hindi pa siguro kasi ano pa po, e, ang dami ko pa pong roles na magagawa pa po at baka hindi ko mapaninindigan.
“I’m sure, eventually pag nag-mature na po ako bilang actor, magiging mas open po ako tungkol doon.
“Wala naman po sa akin kasi trabaho po iyon. Acting po iyon, e.
“Bilang actor kailangan po talagang i-explore iyong iba-ibang avenues bilang actor, lalo na po iyong avenues na hindi pamilyar sa ‘yo.
“So, okay naman po, pero as far as ngayon po, first year ko pa lang po, hindi ko talaga mapapanindigan, e, so sayang naman po iyong role na mga ganoon.
“Meron naman po sigurong makakagawa pa nang mas maayos noon.”
ON BEING COMPARED TO HIS TITO PIOLO PASCUAL. Maraming nagsasabi na kapag tinitititingan daw ng matagal si Benjamin ay lumalabas ang pagkakahawig niya sa kanyang tito na si Piolo Pascual.
Madalas ay naikukumpara na din siya dito. Sabi niya, “Tito ko po, well if that’s the case na… na parang ikumpara ako sa tito ko, okay lang po iyon. Wala namang problema sa akin.”
Nanghihingi ba siya ng mga payo dito tungkol sa pasikot-sikot sa showbiz?
“With more personal things siguro. Pero as far as work, hindi po namin siya masyadong pinag-uusapan e, kasi pamilya po kami.
“Parang, pag kasama ang buong pamilya, bihira po pag-usapan ang trabaho.
“Pero I’m sure, if I ask, bibigyan po naman siguro niya ako ng payo and I think it would be very helpful.”
Close ba kayo? Sagot niya, “We’re pretty close.”
Minsan ba napag-uusapan nilang mag-tiyuhin ang tungkol sa gender issue nito?
Matatandaang ilang ulit nang nakuwestiyon ang sexual preference ng sikat na Kapamilya actor.
“Ah, ang tagal nang tanong niyan!” saad ni Benjamin tungkol sa isyu.
“We don’t have a problem with it. We never talk about it. Wala po.
“Ano na po iyon, e, parang work hazard, parang kasama sa trabaho [na kuwestiyunin ang pagkalalake], so hindi po namin pinag-uusapan.
“Kasi pag nagkakasama kami, masaya lang po pinag-uusapan namin kaysa intriga.” —