#News

‘Hindi Ko Inaasahan!’ — Maine Mendoza Speechless sa Harap ni Piolo Pascual sa Kanilang Unang Pagkikita! Fans Shocked by Her Candid Reaction — May Inamin nga ba ang Phenomenal Star?

Hindi napigilan ng “Eat Bulaga!” Dabarkads at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza ang mag-fangirl nang makaharap niya ang TV and movie actor at Pinoy heartthrob na si Piolo Pascual.

 

Nitong Sabado, nagkasama ang dalawa sa event para sa isang endorsement, na naganap sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Bago sumalang sa kani-kanilang pagtatanghal, ipinakilala muna ang dalawa sa isa’t isa habang nasa backstage at nakunan ang tagpo ng ilang mga fans.

“Alabyu, Piolo” ang pasimple at pabirong bulong ni Maine nang makilala na ang aktor.

Narito ang ilan pang larawan mula sa pagtatagpo ng dalawa sa pinakamalalaking artista sa industriya ngayon:

 

Nitong nakaraang linggo, nakabalik na si Maine at ang kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards mula sa kanilang maikling bakasyon sa Europe.

Kasabay ng kanilang pag-uwi, nag-trending sa Twitter ang #ALDUBWelcomeHome, kung saan ipinost ng fans ang ilang larawan at video na kuha sa dalawa sa airport.