#News

PIOLO PASCUAL Spotted Getting Extra Sweet with Stunning Model Kim Rivera — Are They More Than Just Friends? Rumors of a Budding Romance Heat Up as Fans Demand the Truth!

Piolo sweet na sweet sa model na si Kim Rivera, ‘currently dating’ na ba?

 

Piolo sweet na sweet sa model na si Kim Rivera, 'currently dating' na ba?

PHOTO: Instagram/@_kim.riveraa

 

PUMAPAG-IBIG na kaya ang batikang aktor na si Piolo Pascual?

Ito ang tanong ng marami matapos mag-trending ang isang litrato ni Papa P na very sweet sa Filipino-Chinese model na si Kim Rivera.

Kitang-kita pa nga na nakayakap na ang aktor at tila nakadikit pa ang mga labi nito sa ulo ng dalaga, habang nagbabakasyon at nakasakay sa yate.

Kasunod niyan ay may picture pa sila na may kasama pang isang babae, pero mapapansin na nakasandal si Kim sa aktor at nakahawak naman ang huli sa braso ng una.

Ang photos ay uploaded mismo ni Kim kasama ng Instagram carousel niya mula sa kanyang Baler getaway.

Ang caption pa ng model sa post, “Reliving these moments.”

 

Sa comment section, may nagtanongna IG user: “Is that Papa P?”

Ang reply naman diyan ni Kim, “Kamukha lang po.”

Mukhang sarcastic ang naging sagot ng dalaga dahil very obvious naman na si Piolo ang kasama niya, lalo na’t makikita sa mga litrato ang mismong tatoo ng aktor sa balikat na nakikita rin sa mga posts nito sa social media.

 

As of this writing, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa patungkol sa real score nila.

Kung matatandaan noong Enero, sinabi ni Piolo sa isang interview na siya ay “single” sa loob ng 13 years.

“Sinabi sa akin ni Pastor Julius, the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not going to look for it,” sey niya sa panayam.

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “For thirteen years. Lovelife ko talaga ‘yung trabaho ko.”

Nabanggit din ng aktor noon na hindi siya naghahanap ng full-time commitment.

Maaalala na ang huling na-link kay Piolo ay ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao.