#News

Ruru Madrid Sh0cks Fans with Unexpected Revelation — Piolo Pascual Is His Ninong?! The Surprising Connection Between Two Generations of Heartthrobs Finally Revealed!

Ruru Madrid, inihayag na ninong niya si Piolo Pascual

Inihayag ni Ruru Madrid na ninong niya sa binyag ang batikang aktor na si Piolo Pascual. Ibinahagi rin ng Kapuso actor ang naging pag-uusap nila ng kaniyang kinakapatid na si Iñigo nang magkita sila.

Ruru Madrid, inihayag na ninong niya si Piolo Pascual | Balitambayan

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, sinabi ng Kapuso Action-Drama Prince na malapit na magkaibigan ang kaniyang ama at si Piolo.

“My dad and si [Piolo], talagang magkaibigan po sila, so parang [sinabihan siya ng Dad ko na] ‘oh, inaanak mo ‘yung anak ko ha’,” kuwento ni Ruru.

Ayon pa sa Kapuso actor, napag-usapan nila ng anak ni Piolo na si Iñigo ang ang tungkol sa “ninong” nang magkita sila sa isang event.

Did you know? Piolo Pascual is Ruru Madrid's godfather | GMA News Online

“Si Iñigo, sabi niya, ‘Bro alam mo ba na inaanak ka ni papa?’ Sabi ko, ‘Oo bro. Alam mo ever since alam ko ‘yan’,” masayang kuwento ni Ruru.

“Tapos parang natuwa ako na alam [‘yun] ni Mr. Piolo Pascual,” dagdag niya.

 

Ayon kay Ruru, dating nag-extra sa teleserye ang kaniyang ama, habang nagmo-model naman ang kaniyang ina.

Nakatakdang bumida si Ruru sa GMA Public Affairs series na “Black Rider” katambal si Yassi Pressman.

Magkatambal din ang dalawa sa upcoming movie na  “Video City,” na mapapanood sa mga sinehal simula sa bukas, Miyerkules.