#News

Horror on the Water: Ferry Capsizes With Dozens On Board — Only 5 Found De@d

  • Lumubog ang isang ferry malapit sa Isla ng Bali, ayon sa mga ahensya ng search and rescue
  • Ang naturang ferry ay may sakay na 65 katao, kung saan lima ang naiulat na nasawi at marami pa ang nawawala
  • Ayon sa pambansang search and rescue agency, ang KMP Tunu Pratama Jaya ay lumubog halos kalahating oras matapos itong umalis mula sa Banyuwangi port ng East Java province papunta sa Bali noong gabi ng Miyerkules
  • Agad namang kumilos ang mga Indonesian rescuers at nagsagawa ng operasyon sa gitna ng malalakas na alon upang hanapin ang mga biktima.
PhilSTAR Life courtesy of REUTERS
PhilSTAR Life courtesy of REUTERS
Source: Original

Ayon sa pambansang ahensya, ang bangka ay may sakay na 53 pasahero at 12 crew members, pati na rin 22 sasakyan.

Sa ngayon, 35 katao na ang nasagip, ayon sa East Java rescue agency, habang ang iba ay patuloy pa ring nawawala.

Ang barko ay may kapasidad para sa 67 katao at 25 sasakyan, ayon sa transport ministry ng Indonesia.

Isinasagawa na ang paghahanap sa mga nawawala, subalit ito ay nahihirapan dahil sa malalakas na agos at hangin, ayon sa national rescue agency.

Nagpadala na rin sila ng helicopter at 13 underwater rescuers sa lugar.

Sa isang video na ibinahagi ng national rescue agency na Basarnas, makikitang may isang bangkay na inililipat mula sa isang bangkang pangisda patungo sa pampang sa kalmadong dagat.

Ayon sa transport ministry, lahat ng pasahero ay mga Indonesian.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Horror on the Water: Ferry Capsizes With Dozens On Board — Only 5 Found De@d

She Walked Away Without a Word —